Header Ads

Sen. Drilon, nag-aalala sa pahayag ni Pang. Duterte tungkol sa alkalde ng Iloilo kung saan susunod na itatalaga si Espenido

Nagpahayag ng pag-aalala si Senador Franklin Drilon sa ginawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong italaga ang hepe Ozamiz City Police na si Chief Inspector Jovie Espenido bilang susunod na chief of police sa Iloilo.
“It’s a cause of concern,” tugon ni Drilon sa tanong ng mga mamamahayag kung ano ang reaksyon niya sa pahayag ng Pangulo.
Ayon sa ulat ng GMA, sa kalagitnaan ng kanyang talumpati sa pagdiriwang ng National Heroes Day na ginanap sa Libingan ng mga Bayani ay hinanap ni Pangulong Duterte si Espenido.
Anang Pangulo ay tinanggap niya ang hiling ni Espenido na ma-assign sa Iloilo.
“Ngayon, gusto mo sa Iloilo, kasi si Mabilog has been identified as a protector. Mayor. Mabuhay kaya siya?” wika ng Pangulo.
“Gusto ko lang tanungin kasi ako naman ang pagbibintangan. Ikaw nga ang nagbaril diyan tapos ako ang napa-publish kung saan-saan, eh. Pero, if you do the country a favor, I will support you. And we all… then we’ll all go to jail, do not worry. Just follow the rules of engagement, the requirements of the performance of duty,” dagdag ni Duterte.
Isa si Mabilog sa mga lokal na opisyal na ayon sa Pangulo ay sangkot sa ilegal na droga.
Source: Definitely Filipino Balita

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video or Image go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Walang komento

Pinapagana ng Blogger.