Header Ads

Kamatayan ni Kian delos Santos, Inihalintulad sa Kamatayan ni Hesukristo

DIRECT TO VIDEO SOURCE HERE!


Manila, Philippines – Inihalintulad ni Caloocan Archbishop Pablo David ni panginoong Hesukristo na pinako sa krus ng walang kasalanan ang kamatayan ni Kian Loyd delos Santos na dinampot ng mga pulis ng walang kasalanan at pinaslang din ng walang kalaban laban dahil lang sa giyera sa ilegal na droga ng Duterte Administration.
Sa kanyang sermon binigyaang diin ni Archbishop David na hindi nag-iisa ang mga naulilang ina at ama ni Kian na sina Zaldy at Lorenza Delos Santos dahil marami ring mga kabataan ang dinukot at pinatay sa ibat ibang lugar sa CAMANAVA Area na naka-bonet na mga suspek.
Giit ni Archbishop David magsilbing aral sana sa gobyerno ang mga nangyayaring patayan sa bansa na dapat tigilan na at huling biktima nasa si Kian dahil wala itong magandang maidudulot upang mapaganda ang kinabukasan ng bansa.
Ipinunto ni Bishop David ang nakatala sa bibliya ang John 3:16 kung saan ganun nalamang ang pagmamahal ng ama sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang iligtas ang sanlibutan.
Dagdag pa ni Bishop David lumuha ang langit at nakiisa sa paghahatid sa huling hantungan kay Kian Delos Santos dahil pinatay umano ang grade 11 student ng walang kalaban laban.
Hinamon din ni David ang mga nabiktima ng EJK na lumutang din at ilahad sa publiko huwag matakot upang malaman ang buong katotohanan.


Share this Video!
Visit and follow our Facebook Fan Page: Duterte Administration - 2016 to Present | Tulfo Brothers News
© To The Owner of This Video
Source: RMN

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video or Image go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties.Thank you for being considerate.

2 komento:

  1. Nag umpisa na ulit ang simbahang katoliko sa lumang sistema ng Vatican noong ika limang siglo 1500 century na hinihirang ang taong namamatay o pinapaslang ng walang laban ay magiging santo or mrtyr? at Ito ay pinag mumulan ng pag aalsa at pag aakllas ng sambayanam laban sa gubyernong namamahala.

    Ang Laban sa illegal drugs ay magiging mabisa lamang kung magkakaisa ang mmayam at Matibay na tiwala sa presidente ng bansa. Ang pag gamit sa kamatayan at bankay ni Kian ay pagpapakita at pagsubok sa intellectuality ng bagging Filipino kung Ito nga ay nagbago na simula noong panahon ng kastila.
    Ang mga alagad ng Vatican church na ginagamit ang Diyos sa kanilang kampanya kaban kay PRRD Nakakallungkot isipin na mismong alagad ng simbahan ay kasamang nakikipaglaban sa administrasyun kaysa tumulong?
    Pinapakita nila na hinde mangyayari ang gusto ng President na puksain ang mga Narco politics at mga adik na naging biktima na ngayun ay syang naghahasik ng krimen at kahihiyang sa lahing Filipino Ito ba ay dahil ang katumbas nito ay salapi at kapangyarihan na maghari ang walang katapusang pang aalipin sa mga kapos ang napagaralan, ihitimong mahihirap at 50% walang pakialam sa sistema ng bansa basta kumikita kahit papa'no ...
    Ang hinde namamalayan ng nakakarami na pag hinde nalunasan ang problema ngayun ang bansa ay papunta na sa mga aso na katulad nila Trillanes, Hontiveros, Drillon, Pangilinan at mga katulad... Hinde nila naiintinfihan ay ang mga susunod na henerasyun ng mga anak at magiging anak pa ng marami na Kung hinde malulutas ang katiwalian ng mga POLITIKO at LIDERATO ng LP ang bansang Filipinas ay malulubig sa pagkakautang at yuki yang ng maghihirap ng husto.

    Minsan lang ang pagkakataon na magkakaroon ng isang DU30 na handang baguhin ang sistemang ipinunla ng rehiming AQUINO na walang nagawa Kung hinde pagsamantalahan ang mga Filipinos ... nakawan ang kaban ng bayan at ilihis ang kasaysayan ng bansa at sila ang ituring na mga bayani ?? Ngayun na ang hinihintsy na pagkakataon na mabawi ang niyurakang Dangal ng mga kawatang politiko at sinirang reputasyun ng sambayanamg Filipino!! HUWAG MAGPADALA AT MAKINIG SA MGA MAPAGPANGGAP NA ALAGAD NG DIYOS UPANG MA PROTEKSYUNAN ANG KANILANG SARILING KAPAKINABANGAN.

    TumugonBurahin

Pinapagana ng Blogger.