Patay si Mayor, Misis at ibang Opisyal | Search Warrant, nauwi sa Barilan | 13 Kumpirmadong Patay
OZAMIS CITY, Misamis Occidental (UPDATED) – Labintatlong katao kasama na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, ang asawang si Susan Parojinog at kapatid na board member na si Octavio Parojinog ang kumpirmadong patay sa isang raid na isinagawa ng CIDG Region 10 kaninang madaling araw.
Ayon kay Misamis Occidental Provincial Police Office Head Senior Supt. Jason De Guzman, pasado alas dos ng madaling araw, pumunta ang Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Region 10 sa bahay nila Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Jr. para i-serve ang search warrant tungkol sa mga iligal na armas na umano’y nakatago sa bahay ng alkalde.
“mahinahon naman sanang ise-serve ang search warrant, pero ang report sa atin ay nagpaputok agad ang security personnels ni Mayor,” ayon kay De Guzman sa panayam ng News5 sa telepono
Sa pagpasok pa lang daw ng otoridad sa lugar, bigla daw pinagbabaril ng mga security personnel ng alkalde ang grupo kaya naman napilitan na ring makipagbarilan ang mga pulis.
Kinumpirma naman ni Misamis Occidental Police Provincial Office – PIO Police Senior Inspector Julie Ann Garcia na sa ngayon, labintatlo na ang kumpirmadong patay kasama ang Alkalde, ang asawa nito at ang kapatid niya na board member.
“kinoconsolidate pa po namin ang lahat ng detalye mula sa mga reports ng mga tao po natin on ground. Pero confirmed po na patay po si Mayor Reynaldo Parojinog Jr., si first lady Susan Parojinog at yung kapatid po niya na board member na si Octavio Parojinog,” sabi ni Garcia sa panayam ng News5 sa telepono
Dagdag pa ni Garcia, isa sa hanay ng PNP ang tinamaan ng shrapnel sa bakbakan pero ngayon daw ito ay nasa maayos nang lagay.
Apat rin sa napatay ay miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPAT) kung saan tatlo rito ay kinilalang sina Nestor Cabalan, Daniel Velasquez at Miguel Del Victoria.
Matapos ang engkuwentro, sa paghahalughog ng otoridad sa bahay ni Parojinog, nakuha ang ilang uri ng armas at mga bala, granada, shabu at drug paraphernalia.
Samantala, inaresto naman ang Vice Mayor ng Ozamis na si Nova Parojinog Echaves na anak ng napatay na si Mayor Reynaldo Parojinog.
“Under investigation po siya, nandun din po siya sa vicinity nung mangyari,” dagdag pa ni Garcia panayam ng News5 sa telepono
Si Echaves ay dati nang napabalitang may relasyon umano sa bilibid drug lord na si Herbert Colangco.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng otoridad sa pangyayari.
Share this Video!
Visit and follow our Facebook Fan Page: Duterte Administration - 2016 to Present | Tulfo Brothers News
© To The Owner of This Video
Source: News5
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video or Image go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties.Thank you for being considerate.
Lord thank you!!! Unti unti Ng Nawawala Ang mga salit Ng Lipunan...
TumugonBurahinParang movie lang na Tagalog na marami rin ang bodyguards ng Druglord o syndicate. Talagang merong firefight just like in the movies.
TumugonBurahin