Header Ads

Zubiri "Ang hamon ko sa mga Anti-Martial Law na pumunta sa Marawi, Libre sila ng ticket, pamasahe para pumunta at kausapin yung Maute"

Hinamon ng isang senador ang mga kontra sa martial law sa Mindanao na pumunta ng Marawi City upang personal na makita ang sitwasyon doon at upang makumbinsi na kailangan ng batas militar sa buong rehiyon.
Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, kahit sagutin niya ang pamasahe ng mga anti-martial law para makapunta ng Marawi City.
“Ang hamon ko nga sa kanila, itong mga hindi sumasang-ayon at sumisigaw po sa telebisyon na pumunta po sa Marawi. Kung gusto nilang pumunta ng Marawi bibigyan ko sila ng tiket, pamasahe. Bibigyan ko sila ng sasakyan para pumunta sa Marawi at kausapin yung Maute group, kung gusto nilang kausapin yung Maute group,” hamon ni Zubiri.
“Titingnan natin kung makalabas po sila ng buhay dun sa mga lugar na iyon dahil itong mga kalaban na ito napakahirap kausapin at halos imposible na po dahil ang gusto nila mamatay na tayong lahat,” giit pa ng senador sa isang panayam sa DZBB.


Hinamon din ni Zubiri si Sen. Risa Hontiveros na pumunta ng Mindanao para makita kung gaano ngayon kahimik ang buong rehiyon dahil sa umiiral na martial law.
Si Hontiveros ay isa sa personalidad na dadalo sa Independence Day commemoration rally na gagawin ng civil society group sa Plaza Miranda, bukas, mismong Araw ng Kalayaan.
Bukod kay Hontiveros, dadalo rin sina dating Commission on Human Rights (CHR) chairperson Etta Rosales, Akbayan partylist Rep. Tom Villarin at mga signatories sa petisyong inihain sa Supreme Court (SC) na kumukuwestiyon sa martial law at sa hindi pagpapatawag ng Kongreso ng joint session para talakayin ang deklarasyon ng batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte.

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video or Image go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Walang komento

Pinapagana ng Blogger.