Header Ads

Sen. Sotto: "Padala na lang lahat ng Kontra ng Martial Law sa Marawi. Sila tumapos ng Gulo"

“Padala na lang lahat ng kontra sa Marawi. Sila tumapos ng gulo,” sabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa text message sa Senate reporters ng hingan ng reaksyon hinggil sa pagsasampa ng petisyon ng kontra sa ML sa Supreme Court. File

‘Kayo tumapos ng gulo’ - Sotto

MANILA, Philippines -  Dapat ipadala sa Marawi City ang mga nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema na kumokontra sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Duterte dahil sa paglusob at terorismo ng Maute group.

“Padala na lang lahat ng kontra sa Marawi. Sila tumapos ng gulo,” sabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa text message sa Senate reporters ng hingan ng reaksyon hinggil sa pagsasampa ng petisyon ng kontra sa ML sa Supreme Court.
Idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa buong Mindanao noong Mayo 23 dahil sa nilikhang kaguluhan ng Maute at Abu Sayyaf leader Isinilon Hapilon sa Marawi City kasama ang ilang foreign fighters.
Ibinasura naman ni Sen. JV Ejercito ang argumento ng grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman sa oral argument sa SC na hindi rebelyon ang terorismong ginawa ng Maute group.
“Hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng itawag doon kasi halos tinake-over na ng Maute group yung Marawi,” sabi ni Ejercito.
“We are not dealing with ordinary criminals here. These are rebels. They are funded, and internationally-connected,” wika ni Ejercito.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Noong Sabado sa mensahe ng Pangulo sa mga sundalo ng 4th Infantry Division sa Cagayan de Oro City ay tinawag nitong mga ‘bobo’ ang kontra sa Martial Law.

Source: http://www.philstar.com/bansa/2017/06/14/1709795/anti-martial-law-isagupa-sa-marawi

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video or Image go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Walang komento

Pinapagana ng Blogger.