Header Ads

Hindi Krimen kung Magpahinga o Magbakasyon si Pangulong Rodrigo Duterte - Senador Francis “Chiz” Escudero.

Hindi krimen kung magpahinga o magbakasyon si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero.
Ito ang opinyon ni Escudero sa mala-telenobelang pagsubaybay ng publiko sa totoong kondisyon ng kalusugan ni Duterte matapos itong lumiban ng ilang araw sa kanyang mga official engagements.
Ayon sa senador, hindi malaking  isyu para sa kanya ang bakasyon at hindi pagpapakita ni Duterte sa publiko dahil hindi naman krimen at bawal sa isang pangulo ang magbakasyon o magpahinga.
“Hindi krimen ang magbakasyon ang pangulo , hindi porke’t pangulo ka hindi na na puwedeng  magkabakasyon  at magpahinga,” ani Escudero.
Iginiit din ni Escudero na hindi naman nangangahugulan  na kapag nakabakasyon o walang public engagement ang isang opisyal ay  hindi na ito gumagawa ng kanyang trabaho.
“Ang definition ko sa pagpahinga ng pulitiko ay walang public engagement pero hindi nangangahulungan na hindi ka na gumagawa ng trabaho mo,” giit ng senador.

Ibang usapan kung may malalang sakit

Samantala sinabi ni Escudero na malinaw sa Konstitusyon na kapag malubha ang karamdaman ng isang Pangulo ay dapat ilahad ito sa publiko.
“Maliwanag ang probisyon ng Konstitusyon at ito’y alam ng mga nakapaligid sa Pangulo na kapag seryoso ang karamdaman ng pangulo ay dapat  ipagbigay  alam iyan sa publiko. Ngunit kung ordinaryong  sakit at  hindi seryoso ay hindi na  kailangan ipagbigay alam sa publiko,” ani Escudero.
Giit ng senador, sa kanyang nakitang litraro ng Pangulo ay wala naman umano itong malubhang karamdaman.

Source: http://www.abante-tonite.com/hindi-krimen-kung-magpahinga-ang-pangulo-chiz.htm

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video or Image go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties.Thank you for being considerate.

2 komento:

  1. Mga marurupok lang talaga ang mga political opponents ni PRRD. They watched him like a HAWK. Give him a break please mga dilawan. Totasl malalaman nyo din naman kung talagang me deprensya ang nangulo ng nasyon, don't worry he will tell you if so. Don't be so anxious if you can get in again to the old ways because that has to be stopped. Alright? Keep your COOL.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. correction lang po instead ng Totasl, it is "Total" po.

      Burahin

Pinapagana ng Blogger.